Unang Pahina

Rogationist College Gym1.JPG

Ang Rogationist College (Dalubhasaang Rogasyonista), kilala rin bilang RC na daglat nito, ay isang dalubhasaang pansariling pinapatakbo ng mga paring Rogasyonista, isang orden ng Simbahang Katoliko, at isang institusyong pang-edukasyon alang-alang sa alin mang kasarian. Itinatawag ang mga mag-aaral nito bilang RCian/RCians dahil sa daglat nitong RC, Rogasyonista o Rogationist/Rogationists. Mayroong lawak na 2.4 kilometrong parisukat, matatagpuan ang paaralang ito sa Kilometro 52 ng Lansangang-bayan ni Aguinaldo, Lalaan 2, Silang, Kabite, Pilipinas. Unang ipinatayo ang paaralan ng mga Italyanong Rogasyonistang pari sa anyo ng Saint Anthony's Boys Village (Nayong Panlalaki ni San Antonio) o SABV sa tulong ng pamahalaang Italyano sa pamamagitan ng kawang-gawang Giuseppe Tiovini Foundation, bilang isang paampunan. At ito rin unang paampunan ni San Antonio sa mga turo at asal ni Santo Annibale Maria di Francia sa buong Pilipinas. Nagsimula ang pagtatayo ng mga gusali nito noong 1985, at noong Marso 2, 1985, binasbasan ito ng yumaong obispo ng Imus na si Felix Perez ang haligi ng unang gusali. Natapos ang paggawa ng mga gusali dalawang taon matapos ang simula nito. At noong Mayo, 1987, itinayo ang Rogationist Academy (Akademyang Rogasyonista) o RA sa SABV bilang isang paaralang Katolikong tumatanggap ng mga mag-aaral ng alin mang kasarian mula sa una hanggang ikaapat na antas.

Niels Bohr - LOC - ggbain - 35303.jpg

Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikong Danes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito. May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk

Secretary Dr. Francisco Duque - 2018 (cropped).jpg
  • Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas: Pinagbibitiw ng mga ilang Senador ang Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan na si Francisco Duque III (nakalarawan) dahil sa kabiguan nitong pamunuan ang krisis sa banta ng COVID-19. Samantala, umabot na ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas sa 353 na nilagpasan na ang bilang ng mga namatay sa bansa.
  • Kinukunsidera ng pamahalaan ng Pilipinas ang ganap na pagsasara o total lockdown sa mga lansangan kung patuloy ang paglabag ng "pinagbuting kuwarentenang pampamayanan" o "enhanced community quarantine" sa buong Luzon.
  • Na-deactivate ang isang bomba sa Guindulungan, Maguindanao ng mga eksperto sa bomba mula sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
  • Halalang pambatas sa Timog Korea ng 2020: Naganap ang halalan para sa ika-21 Pambansang Asemblea ng Timog Korea sa kabila ng pandemya ng coronavirus.
  • Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

    Lunop han Dughan folktale about Mt Danglay.jpg
    • ... na ang mga bayan ng Rizal na Montalban at San Mateo ay dating napapaloob sa dating lalawigan ng Maynila?
    • ... na umiral ang Lungsod ng Malawakang Maynila bilang isang agarang hakbang noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
    • ... na ang sarsuwelang Lunop han Dughan - Panaghoy ni Yolanda (nakalarawan) ay ginugunita ang mga pumanaw dahil sa pananalasa ng super bagyong Yolanda?
    • ... na patuloy na tumatanggi ang pamahalaan ng India na hatiin ang bansa sa maraming mga sona ng oras na ngayo'y nasa isang Pamantayang Oras ng India?
    • ... na unang nagkaroon ng problema si Aman Dangat sa mga awtoridad ng Espanya noong mga panahon na inilipat ang mga tagabaryo ng Sabtang at Vuhus sa San Vicente at San Felix sa bayan ng Ivana noong 1785 sa panahong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?

    Mayo 28

    Ang naunang watawat ng Pilipinas sa himagsikan

    Mga huling araw: Mayo 27Mayo 26Mayo 25

    Ngayon ay Mayo 28, 2020 (UTC) – Sariwain ang pahina
    Estonyano
    (Eesti)
    Azerbaijani
    (Azərbaycanca)
    Galisyano
    (Galego)
    Ingles (payak)
    (English (simple))
    Noruwego
    (nynorsk)
    (Norsk (nynorsk))
    Latin
    (Latina)
    Taylandes
    (ไทย)
    Griyego
    (Ελληνικά)
    Newar / Nepal Bhasa
    (नेपाल भाषा)
    Arumano
    (Armãneashce)
    Occitan
    (Occittan)
    Serbo-Kroato
    (Srpskohrvatski / Српскохрватски)
    Heorhiyano
    (ქართული)
    Masedonyo
    (Македонски)
    Tagalog
    (Wikang Tagalog)
    Haytian
    (Krèyol ayisyen)
    Piedmontese
    (Piemontèis)
    Telugu
    (తెలుగు)